Time

“Ang hirap noh? Pag kailangan mong mamili tapos mali yung napili mo. Kahit gusto mong baguhin yung desisyon mo, hindi mo na magagawa kasi nakapili ka na. Tapos na. All you can do is to settle with what you chose. And while you’re settling with dun sa una mong napili, marerealize mo kung gano mo kagusto yung hindi mo pinili. Pero you can’t have it anymore. Kasi ubos na. Kasi nakuha na ng iba. Sa susunod na mamimili ka ulit, choose the one na gusto mo talaga at hindi yung dahil napipilitan ka lang.”

-Seth (from the story “Hundred Days With You” read it in wattpad.com! maganda promise. galing dun yung ibang text posts ko to be posted next time :) )

May kasabihan ngang, “time is gold” which means time is precious. kaya if we are given the time na kailangan nating pumili between something/someone, we need to choose the BEST, the one which is ‘worth it’ at dapat kapag nakapili na tayo, dapat wala nang pag aalinlangan, walang pagsisisi. kasi hindi lahat ng bagay napapalitan, hindi lahat ng bagay pwedeng iwanan nalang ng basta basta, at ang oras, hindi nababalikan. and with that one that we first chose, dapat hindi lang tayo napipilitan. dapat pinili natin yun ng buong puso. halimbawa nalang pag pinapapili ka between cellphone or laptop. ang pinili mo cellphone. pero late mo nalang na realize na MAS kailangan mo pala yung laptop. at wala ka nang magawa para ibahin pa yung desisyon mo kasi andyan na, tapos na. tapos na yung oras na pinapili ka. kaya may oras, para pahalagahan, para gamitin sa tama. dahil hindi lahat ng bagay minamadali.